2020 LICENSURE EXAMS KANSELADO NA

PRC

INANUNSIYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na kanselado muna ang nakatakdang 2020 Licensure Examinations ngayong Marso at Abril.

Ang pagkansela ay alinsunod na rin sa Presidential Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng state of public health emergency sa buong bansa, dahil sa malawakang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), na nag­rerekomenda ang pagbabawal sa mga malalaking pagtitipon o mass gatherings.

Dahil dito, nagpasya ang PRC na upang matiyak ang kaligtasan ng mga examinee at mga empleyado nila ay hindi na muna isagawa ang mga sumusunod na licensure examinations at assessments.

Kabilang dito ang Qualifying Assessment for Foreign Medical Professionals (March 14, 2020);  Physician Licensure Examination (March 15-16, 2020); Medical Technologists Licensure Examination (March 18-19, 2020); at Licensure Examination for Professional Teachers (March 29, 2020).

Kanselado rin naman ang Licensure Examination for Electronic Engineers and Electronic Technicians (April 1-3, 2020); Licensure Examination for Midwives (April 5-6, 2020); Licensure Examination for Registered Electrical Engineers and Registered Master Electricians (April 14-16, 2020) at Licensure Examination for Pharmacists (April 26-27, 2020).

Tiniyak naman ng PRC na kaagad nilang iaanunsyo ang bagong mga iskedyul ng mga apektadong licensure examinations kapag bumuti na ang sitwasyon sa bansa.

Ang anunsiyo ay ipapaskil umano sa PRC Website at sa mga opisyal na social media accounts ng komisyon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.