MAGIGING pangunahing prayoridad sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa susunod na linggo ang pagpasa sa panukalang P4.1-trillion national budget para sa 2020, ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri.
“The Senate Finance Committee will definitely be busy conducting marathon hearings on the proposed P4.1 trillion National Government budget for next year. Congress is set to resume ses-sions after a one-month recess to tackle the 2020 Budget and other priority measures,” wika ni Zubiri.
Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagpasa sa oras ng General Appropriations bill makaraang mag-operate ang gobyerno sa re-enacted budget sa mga unang buwan ng 2019.
“We had experienced difficulties when we failed to pass the 2019 Budget on time,” paliwanag ni Zubiri.
“We had a re-enacted budget for the first semester of this year forcing National Government agencies to compress their timelines. Consequently, many important programs and projects for the benefit of our people were delayed.”
Bago nag-recess, inaprubahan ng Senado ang Resolution No. 154 na nagpapahintulot sa lahat ng komite na magsagawa ng hearings, meetings at consultations sa panahon ng recess para magkaroon ng pagpapatuloy sa proseso ng pagpasa sa mga nakabimbing panukala.
Ayon kay Zubiri, bukod sa 2020 budget, inaasahan ding matatapos ng Senado ang plenary debates sa walong bills na aprubado na sa committee level at nasa ikalawang pagbasa.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng Grant of Night Shift Differential Pay for Government Employees including Government-Owned and –Controlled Corporations (Senate Bill No. 643); Separate Facility for Prisoners Convicted of Heinous Crimes (SBN 1055); Increasing Excise Taxes on Alcohol Products, Heated Tobacco and Vapor Products (SBN 1074); Creation of Malasakit Centers in all Department of Health Hospitals (SBN 1076); Creation of a National Transportation Safety Board (SBN 1077); Amendments to the Anti-Terrorism Act (SBN 1083);
Creation of the Philippine High School for Sports in New Clark City, Capas, Tarlac (SBN 1086); at Grant of Teaching Supplies Allowance for Public School Teachers (SBN 1092). PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.