BIBIGYANG pugay ang mga atleta at sports personalities na nagbigay inspirasyon at karangalan sa Philippine sports sa gitna ng krisis sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night ngayon sa TV5 Media Center.
May kabuuang 32 awardess ang nasa honor roll para sa 2020, na kinabibilangan ng sportsmen, officials, at entities na napagtagumpayan ang hamon sa gitna ng pandemya na nagparalisa kapwa sa local at international sports.
Si lady golfer Yuka Saso ang tatanggap ng coveted Athlete of the Year Award na tradisyunal na ipinagkakaloob ng pinakamatandang media organization sa bansa na pinamumunuan ng presidente nito at Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na igagawad sa 19-year-old Filipina athlete na may Japanese descent ang pinakamataas na parangal mula sa Philippine sportswriting fraternity, makaraang tanggapin ang prestihiyosong award noong 2018 kasalo sina fellow golfers Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, at Olympic silver medal winner Hidilyn Diaz.
Ang Awards Night ay idaraos virtually, na kauna-unahan sa kasaysayan ng PSA sa harap ng istriktong health restrictions, at handog ng San Miguel Corporation (SMC) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.
Si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mangunguna sa pagbibigay parangal kay Saso at sa iba pang awardees bilang guest speaker para sa event, kung saan magbibigay rin siya ng mensahe sa buong Philippine sports community.
Iho-host nina Gretchen Ho at Paolo Del Rosario, ang awards rite ay mapapanood sa March 28 sa OneSports+ simula alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi, kasama ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine bilang major backers.
Ang iba pang awardees para sa taon ay kinabibilangan nina Philippine Olympic Committee President Abraham ‘Bambol’ Tolentino (President’s Award), PBA Commissioner Willie Marcial (Executive of the Year), Alliances of Boxing Association in the Philippines (National Sports Association of the Year), at ng trio nina esteemed sports leaders Jose A. Romasanta, Renauld ‘Sonny’ Barrios, at late Ambassador at basketball godfather Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. (Lifetime Achievement Award).
Tatanggap din ng major awards sina netter Alex Eala, at boxers Johnriel Casimero at Pedro Taduran, habang si boxing legend at Senator Manny Pacquiao ang magiging recipient ng Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan.’
Samantala, 20 personalities at entities ang bibigyan ng citation awards, maging ang mga atleta na naging frontliners ngayong pandemya.
Hindi rin malilimutan ang mga namayapang kaibigan ng Philippine sports na bibigyang pugay at aalalahanin sa pagkakaloob ng posthumous citation at isang minutong katahimikan.
725403 801271Hi! Wonderful post! Please do tell us when I will see a follow up! 668886
191580 819450I located your weblog web website on google and check a couple of of your early posts. Continue to sustain up the superb operate. I just further up your RSS feed to my MSN News Reader. Searching for forward to studying extra from you in a whilst! 161464