2020 WORLD DRAGON BOAT CONGRESS GAGANAPIN SA PINAS

Jonne Go

MAGIGING dragon boat capital na ang Filipinas matapos na magkaisa ang 134 bansa na idaos dito ang 2020 World Dragon Boat Congress.

Ang Pinas ang unang bansa sa Southeast Asia at panga­lawa sa Asia na magiging host ng congress na unang ginanap sa Hong Kong noong 1997.

Sinabi ito ni Philippine Dragon Boat/Canoe Kayak president Jonne Go sa pagbisita sa Tabloid Organization of Philippine Sports (TOPS) forum, kasama si  international coach Len Escollante, na in-update ang media sa paghahanda nila sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa bansa.

“We feel honored and gratified for the trust and confidence choosing the Philippines as host of the 2020 World Dragon Boat Congress,” sabi ni Go, na isa ring ranking official ng Asian Dragon Boat Association na pinamumunuan ni Toshiho Narita.

Ayon kay Go, darating si Narita mula sa Sapphoro kung saan siya nakatira para dumalo sa nasabing congress na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Aniya, malayo pa man ang nasabing pagtitipon ay pinaghahandaan na nila ito para masigurong magiging maayos at pulido ito.

“Malayo pa man ay pinag­hahandaan na namin para mapatakbo nang maayos at hindi tayo mapahiya sa mga foreign delegate sa una nating pag-host sa congress,” ani Go.

Hindi sinabi ni Go ang halaga na magagastos sa pag­ho-host ng congress.

Samantala, inanunsiyo ni Go na sasabak ang mga Pinoy sa international competitions bilang paghahanda sa SEA Games. CLYDE MARIANO

Comments are closed.