IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taong 2020 bilang “Year of Filipino health workers”.
Ito ay bilang pagkilala sa naging serbisyo ng medical workers ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sa bisa ng Proclamation No. 976 inatasan ng Pangulo ang Department of Health (DOH) na pangunahan ang paggunita ng year of Filipino health workers.
Hinimok ng Pangulo ang mga local government, business communities, society groups at professional organizations na tumulong sa DOH.
Hinimok din ang media na i-promote ang mga programa at aktibidad kaugnay sa nasabing selebrasyon.
Comments are closed.