HINILING ng economic team ni Presidente Rodrigo Duterte ang mabilis na pag-apruba ng Kongreso sa panukalang 2021 national budget
Sa isang statement, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na mahalagang bahagi ito ng komprehensibong plano ng gobyerno na ibalik ang sigla ng ekonomiya at igupo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dominguez, bukod sa panukalang 2021 General Appropriations Act (GAA) na P4.506 trillion, hinimok din ng administrasyong Duterte ang mga mambabatas na aksiyunan na ang ilang economic priority measures na naglalayong pabiisin ang economic recovery at suportahan ang mga negosyo, manggagawa at pamilya na hinambalos ng pandemya.
Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa House committee on appropriations, pi-nasalamatan ni Dominguez ang mga mambabatas sa pagpasa ng “fiscally responsible” Bayanihan To Recover As Oe Act o Bayanihan 2.
“It allows the country to meet the challenges of economic recovery without imposing a heavy burden on future gen-erations,” ani Dominguez.
Ang iba pa aniyang priority measures na kailangang aksiyunan na ng Kongreso ay ang panukalang Financial Institutions’ Strategic Transfer (FIST) Act, na magpapahintulot sa mga bangko na i-dispose ang bad loans at non-performing assets (NPAs) sa pamamagitan ng asset management companies; at ang Government Financial Institutions’ Unified Initia-tives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) bill, na layong payagan ang state-run banks na bumuo ng isang special holding company na magbubuhos ng equity, na may mahigpit na kondisyon, sa ‘strategically important companies’ na nahaharap sa bankruptcy.
Kabilang din, aniya, sa priority measures na kinakailangan nang aksiyunan ng Kongreso ay ang panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE), na agad magbababa sa corporate income tax (CIT) rate sa 25 mula sa 30 percent at magpapalakas sa flexibility at efficien-cy ng incentives system para sa mga negosyo.
“The swift enactment of CREATE, FIST, GUIDE and the 2021 budget will serve to accelerate our economic recovery. We should not delay providing urgent and necessary relief to our people,” sabi ni Dominguez sa DBCC briefing sa House appropriations panel sa panukalang GAA o 2021 National Expenditure Program (NEP).
Ang DBCC ay binubuo ng heads ng Departments of Budget and Management (DBM) and of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP); at isang senior representative mula sa Office of the President (OP).
“We are committed to working closely with you on the recovery measures so that these can be enacted in a timely, decisive, and responsible manner,” pahayag ni Dominguez sa mga miyembro ng panel na pinamumunuan ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap.
Comments are closed.