2021 BUDGET MAIPAPASA NGAYONG BUWAN – YAP

eric yap

TINIYAK ni House Appropriation Chairman Cong. Eric Yap, ng ACT-CIS party-list, na maipapasa ng mababang kapulungan ang 2021 national budget bago mag-Nobyembre.

Sinabi ni Cong. Yap na, “malinaw ang gusto ng Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa namin ang budget para madala na ito sa senado bago mag-Nobyembre”.

Nagpatawag ng special session ang Pangulong Digong simula Oktubre 13 hanggang 16, ng kasalukuyang buwan para talakayin at maaprubahan ang budget para sa susunod na taon.

Matatandaan na biglang na-adjourn ang sesyon sa Kongreso dahil sa isyu ng House Speakership, sa pagitan nina Speaker  Allan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

“Sisiguruhin ko na papasa ang 2021 budget sa Kongreso this month at maipapadala namin ito sa Denate on or before first week ng November,” pag-tiyak naman ni Cong. Yap.

“Alam ko na may problem ngayon sa Congress, rest assured na tatapusin namin ang usapin sa budget very soon,” hirit pa ng mambabatas.    PMRT

Comments are closed.