NIRATIPIKAHAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report para sa P4.5 trillion na 2021 General Appropriations Act (GAA).
Matapos na maratipikahan ng dalawang kapulungan ang panukala para sa pambansang pondo ay isusumite na ito agad kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan.
Target ng Kongreso na mapapirmahan sa Pangulo ang 2021 budget bago mag-Pasko.
Sa ilalim ng niratipikahang pambansang budget ay P72.5 billion ang inilaan na pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccines na hindi hamak na mas mataas kumpara sa P2.5 billion na original proposal ng Budget Department.
Aabot naman sa P23 billion ang realigned na pondo para sa mga biktima ng mga Bagyong Ulysses at Rolly.
Sa kabila naman ng panawagan ng Makabayan bloc na i-realign ang pondo, nanatiling intact o buo ang P19 billion na pondo ng kontrobersiyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Kabilang sa top 10 na ahensiya na may pinakamalaking pondo sa 2021 ay ang mga sumusunod:
- Education (kasama ang DepEd, SUCs, CHED, TESDA): P708.2 billion
- Department of Public Works and Highways: P694.8 billion
- Health (kasama ang DOH, PhilHealth, COVID-19 vaccines): P287.5 billion
- Department of the Interior and Local Government: P247.5 billion
- Department of National Defense: P205.5 billion
- Department of Social Welfare and Development: P176.7 billion
- Department of Transportation: P87.4 billion
- Department of Agriculture: P68.6 billion
- The Judiciary: P44.1 billion
- Department of Labor and Employment: P36.6 billion. CONDE BATAC
Comments are closed.