“NAGHIHINTAY na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isusumiteng budget ng Kongreso.”
Ito ang pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go kasabay ng pag-asang tutupad ang Kamara sa pangakong ipapasa “on time” ang 2021 proposed national budget para maiwasan ang re-enacted budget.
Ayon kay Go, ginawa na ng Pangulo ang lahat dahil sa ayaw nito ng reenacted budget at ayaw niyang pasanin ng taumbayan ang pasakit ng re-enacted budget.
Iginiit ng senador na kaya namang maipasa ng Kongreso ang panukalang general appropriation act kung hindi magre-recess.
Ipinaliwanag nito na mahihirapan lalo ang bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic kapag na-reenact ang 2020 budget sa susunod na taon dahil walang gagamiting pambili ng mga PPE, iba pang supplies at pa-suweldo para sa mga kailangang frontliner.
Tiniyak din ni Go na nakahanda na ang mga senador para sa kanilang trabaho naman sa proposed national budget at para masunod ang timeline sa sandaling mai-transmit na ito ng Kamara.
Kinumpirma rin ni Go na nag-usap na sina Senate President Tito Sotto at House Speaker Lord Allan Velasco para mada-liin at ipasa ang budget sa takdang oras upang maiwasan ang reenact budget. VICKY CERVALES
Comments are closed.