2021 NAT’L BUDGET, COVID-19 ROADMAP FOR RECOVERY PRAYORIDAD SA 2ND REGULAR SESSION NG KONGRESO

Kongreso

UUNAHIN ng liderato ng Kamara sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 18th ­Congress ang 2021 National Budget at ang coronavirus disease-19 roadmap for recovery.

Ayon kay House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, inaasahan niya na ang pambansang pondo sa susunod na taon ay magiging stimulus budget upang makabangon ang ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.

Sesentro din, aniya, sa health sector at pagsasaayos ng mga pasilidad pangkalusugan sa buong bansa ang 2021 national budget.

Sinabi ng kongresista na mag do-double time sila sa Kamara upang kaagad maipasa ang nasabing mga panukala.

Kumpiyansa si Romualdez na kahit mabigat ang kinakaharap ng mga Filipino ay makakayanan ng mga ito at magiging mas matatag ang buong bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte.   CONDE BATAC

Comments are closed.