2021 SONA WEBSITE, INILUNSAD NG KAMARA

PORMAL na inilunsad kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang dedicated website na makapagbibigay ng mga tama at kaukulang impormasyon hinggil sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, ang bagong website, na www.congress.gov.ph/sona2021, ay hindi lamang naglalaman ng latest news and updates patungkol sa ikaanim at huling SONA ni Pangulong Duterte kundi maging ang legislative accomplishments ng administrasyon.

“President Duterte has actually accomplished a lot in the past five years he was in office, and this website will bear all those achievements,” pagbibigay-diin ng House Speaker.

Sinabi rin ng lider ng Kamara na sa mga susunod na araw, ang website na ito ay maglalaman din ng ‘Legislative Performance Report of the House’ at selected speeches ng mga miyembro ng 18th Congress, na laman din ng librong “In the Name of the People.”

“President Duterte deserves gratitude of all Filipinos for the many good things he has done for the country, including the string of landmark legislation that we never thought would be possible, as well as high impact programs and critical reforms aimed at improving the quality of life of Filipinos,” ang sabi pa ni Velasco. ROMER R. BUTUYAN

One thought on “2021 SONA WEBSITE, INILUNSAD NG KAMARA”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *