(2021 target nahigitan) P2.08-T NAKOLEKTA NG BIR

Commissioner Caesar Dulay

UMABOT sa P2.08 trillion ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue ( BIR) noong  2021 sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Nahigitan nito ang koleksiyon noong 2020 ng 6.48 percent at ang target na itinakda ng  Development Budget Coordination Committee (DBCC) ng 09 percent, ayon sa BIR.

Ayon kay Commissioner Caesar Dulay, ito ay isang “good collection performance“ sa kabila ng pagsasara ng mga negosyo sa kaagahan ng taon, COVID-19 infections, mga bagyo at iba pang tax administration challenges.

“We really lived out our theme for 2021, Sama-Sama sa Hamon ng Panahon… Everybody supported each other… No one group could have done it if we did not act professionally and with competence,” sabi ni Dulay.

Binigyang-diin ng ahensiya na nakatulong sa pangkalahatang tagumpay sa koleksiyon ang mga kanilang mga programa, tulad ng anti-tax evaders campaign.

Samantala, ang Run After Tax Evaders Program, Oplan Kandado Program at Tax Compliance Verification Drive ng ahensiya ay nagresulta sa paghahain ng 137 kaso sa Department of Justice, pagsasara ng 523 establisimiyento, koleksiyon ng P2.948 billion, at tax mapping ng 120,220 business establishments sa buong bansa.