2022 IEMELIF KALKAB NATIONAL CONVENTION

MATAGUMPAY na nairaos ang 2022 National Convention ng Kalalakihan at Kababaihan ng IEMELIF na ginanap sa Hotel Supreme sa Magsay say Road, Baguio City nitong Hunyo 2 hanggang 4.

Aabot sa 456 attendees mula sa iba’t ibang distrito ang nakibahagi sa nasabing convention sa pangu­nguna ng mga opisyal ng KalKab at opisyal ng Kataastaasang Konsistoryo kung saan gina­nap sa unang araw ang parade ng mga delegado ng distrito partikular na ang District 1-South at District 4-West Ca­vite na pinakamaraming delegado.

Kabilang sa mga programa na nailunsad ay ang nomination at eleksyon ng mga bagong opisyal ng KalKab sa taong 2022 habang nagkaroon din ng presentation ang bawat distrito sa pamamagitan ng singing, makulay na drama, at iba pang uri ng sayaw na may makukukay na kasuotan.

Ilan sa nagbigay ng pagbati ay sina Superintendente Heneral ng IEMELIF na si Obispo Noel M. Abiog, Obispo Nathanael P. Lazaro, Rev. Jonathan D. Gianan, Evanghelista Heneral Reb. Oscar Cuevas, Sekretaryo Heneral Reb. Elben v. Rodriguez, at ang da­ting pangulo ng Kal­Kab na sina Pred. Israel Maducdoc at Consuelo Maducdoc.

Kabilang sa mga bagong nahalal na opisyal ng kalalakihan ay sina Jerry Earl San Pedro, president; Willie Fajardo, vice president; Danny Velarde, secretary; Henry Pe Manuel, treasurer; Sammy Brown Jr., auditor; at ang tumatayong PIO ay sina Michael Mugol, Isagani Ching, Gerardo Dela Cruz at Edwin Caguioa.

Sa mga opisyal naman ng kababaihan ay sina Amparo Mabutol, president; Ligaya Brown, vice president; Anita Del Rosario, secretary; Cecilia Pe Manuel treasurer; Teresita Fajardo, auditor; at ang mga PIO ay sina Ruth Velardo, Gloria Calara, Eunice Kim, at si Evangeline Victoria.

Magugunita na noong Mayo 2 at 4, 2019 ay ginanap din ang IEMELIF KalKab National Convention sa nasabing lugar kung saan aabot sa 517 ang delegadong lumahok mula sa iba’ibang distrito.
MHAR BASCO