SASAGUPA na ngayong araw, Marso 27, ang 4-cock pre-finals at grand finals ng 2022 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Tampok sa pre-finals at grand finals ngayong araw ang 56 sultada sa 28 entries na nakapagtala ng 2, 2.5, 3, 3.5, 4, 4.5, at 5 panalo sa elimination at semi-final rounds simula alas sais ng gabi na walang tigil na bakbakan hanggang hatinggabi.
Nangunguna sa nasabing torneo ang dating champ at sabong idol na si Patrick Antonio at sina Jun Topacio at Padz Barr na parehong nakapagtala ng 5-0 records matapos manalo sa 2-cock elimination at 3-cock semi-finals at walang talo.
Pasok din sa pre-finals at grand finals ang ilang top fighters na nakapagtala ng 4.5, 4, 3.5, 3, 2.5, and 2 points tulad nina TJ Marquez, Engr. Mark Anthony Acebedo, Capt. Luis Tapia, Iking Araneta, Doc Eddie Boy Cheng, Raymond Velayo at Lito Cay, RQP, Mayor Boyet Joson, Johnny Moore at John Seiner, Kulit Alcala, Nene Araneta, Rolly De Leon at Eddie Pontero, Carlos Tumpalan, Dennis Lumpay at Pablito Gregore, Doc Ayong Lorenzo, Marco Jison, Doc Ran Bonavente at Jerry Quimot, Ropal Brothers at JP Pimentel, Delfin Gomez, Jimmy Mariquit, Mayor Elan Nagano, Paul at Joe Romias, Gary Tubianosa at Jay Soria, Robert Torres at Lowell Kaw, Atty. Jan Villegas, Michael Benjo Nacion at Luis Alfaro.
Ang WSC 2022 ay suportado ng Thunderbird, Emperador, Petron, Asiawide Negrense Construction Corporation, Tempo, at Pilipino Mirror.
Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph