2023 BATANG PINOY, PNG SUPORTADO NG PRIBADONG SEKTOR

NAKAKUHA ng suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) mula sa private partners upang higit na palakasin ang magkasabay na pagdaraos ng 2023 Batang Pinoy (BP) at Philippine National Games (PNG) simula sa December 17.

Sa isang groundbreaking move, ang PSC ay nakipagpartner sa Milo Philippines at Otsuka Solar-Pocari Sweat, kasama ang  Philippine Basketball Association (PBA), PLDT and Smart Communications, Grab, Chooks To Go, at  Shakey’s Philippines para sa exceptional edition ng premier grassroots sports development programs ng sports agency.

“This collaboration is a testament to our commitment in nurturing the next generation of athletes. With the combined efforts of the PSC and our esteemed private partners, we are confident that the games will leave a lasting legacy, inspiring athletes and fans alike,” pahayag ni PSC Chairman Richard Bachmann.

“As a former athlete, I am delighted with the overwhelming support from our private sectors in helping us elevate the playing field of our future national stars,” dagdag pa niya.

Ang PSC ay nakakuha ng sponsorship assistance mula sa naturang multiple partners para sa hosting ngayong taon, na tatampukan ng 25 sports disciplines at lalahukan ng kabuuang halos 18,000 atleta.

Pinasalamatan din ng PSC ang De La Salle University, DragonSmash Makati, SM Mall of Asia, Ayala Malls, at ang PNVF Sand Courts sa pagpapahiram ng kanilang mga pasilidad para magsilbing competition venues ng futsal, badminton, dancesport, arnis, pencak silat, table tennis, at beach volleyball.

“The infusion of private sector expertises, resources, and support will definitely contribute to creating a more immersive and memorable experience in every competition venue and billeting areas from start to finish,” sabi ni Executive Director Paulo Tatad.

CLYDE MARIANO