2023 GROWTH TARGET NG PH POSIBLENG MABAGO

Governor Benjamin Diokno-3

MAGPUPULONG ang economic team ng administrasyong Marcos ngayong buwan upang repasuhin ang growth target ng bansa para sa taon, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

Nakatakda ang pagpupulong ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa October 19.

Ang DBCC ay binubuo ng top officials ng Budget at Finance departments at ng National Economic and Development Authority (NEDA), at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

“We’ll review the first-semester report performance,” aniya, kabilang dito ang economic growth, inflation, at underspending.

Ipinahiwatig ni Diokno na posibleng i- adjust ang growth targets.

“There’s always a chance, based on the most recent info,” sabi ni Diokno.

“I think the general sentiment, at least based on my conversation with the WB (World Bank), globally talaga downgrade lahat, but the good news is the Philippines will remain to be the fastest growing in this part of the world,” dagdag pa niya.

Noong Agosto, iniulat ng pamahalaan ang mabagal na economic growth na 4.3% para sa second quarter ng 2023, na pinabagal ng mataas na inflation at ng epekto ng mas mataas na interest rates.

Para sa taon, ang target growth ng DBCC ay 6% hanggang 7%. Para makamit ito, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang local economy ay kailangang lumago ng hindi bababa sa 6.6%” sa second half.