2023 PROPOSED NATIONAL BUDGET BINABALANGKAS NA

BINABALANGKAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, sa sandaling maisapinal ang budget ay agad na isusumite ito sa Kongreso sa Agosto 22 upang maipasa bago ang Christmas break ng mga mambabatas.

Nabatid na kabilang sa mga pangunahing prayoridad sa 2023 proposed national budget ang pagpopondo sa edukasyon na siyang pinakamalaking paglalaanan, sektor ng kalusugan, infrastructure at agrikultura.

Samantala bubuhusan din ng pondo ang mga proyektong nasimulan ng Duterte administration partikular na ang ‘Build Build Build’ progam upang matapos ang mga mahahalagang imprastruktura na pakikinabangan ng mamamayan at ng bansa.

DWIZ 882