2023 World Slasher Cup 2 second round elims, sasagupa na

Nasa 70 sultada ang nakatakdang magsagupa ngayong araw para sa pangalawang round ng two-cock elimination ng ikalawang edisyon ng 2022 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Muling aakyat ng ruweda para sa two-cock elimination ngayong gabi sina four-time WSC champion Rey Briones, sabong legends na sina Nene Araneta at Patrick Antonio, at iba pang mga bigating sabungero.

Samantala, nasa 55 entries ang aabante na para sa three-cock semi-finals sa Mayo 24, Myerkules, matapos malagpasan ang two-cock elimination round. Uusad sa susunod na round ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-dalawang panalo, habang yung mga naka-iskor ng tig-isang panalo ay mananatili pa rin sa kumpetisyon para sa inaasam na titulo.

Sasagupa sa semi-final round sina Dennis Lumpay/Toto Gregore, Pablito Gregore, Dell Geroy/Daday Siochi, Tata Gov/TRB, Allan Villegas/Obet Bello, Anthony Garcia, Danny Lim/Daddy Ortee, Danny Lim/Adrian Manalansan, Don Destura/Antonio Burburan, Jon Jon Cano, Fiscal Moises Villanueva, Eddie Gonzales, Roger Vibal/Jun Durano, at Doc Eddie Boy Cheng/Atty. Tubban/Jun Durano, na merong tig-dalawang panalo at wala pa ring talo pagkatapos ng two-cock elimination round.

Aabante rin sa susunod na round ng kumpetisyon si JDC matapos makaiskor ng 1.5 na puntos sa elimination round. Pasok din sina Nene Araneta, Pol and PJ Estrellado, Aurello F. Yee/ Magno Lim, Danny Lim, Padz Barreda, Jon Jon Alegre, James Uy, at ibang mga kalahok na nakaiskor ng tig-isang panalo at isang talo.

Ang mga magwawagi sa semi-finals ay aabante sa four-cock pre-finals sa Mayo 29 at grand finals sa Mayo 30 kung saan tatanghalin ang bagong kampeon ng World Slasher Cup.

Nasa 142 entries ang kalahok sa nasabing torneo para sa ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby ngayong taon.

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.