IDINAOS sa Philippine International Convention Center (PICC) ang National Tax Campaign Kick-off 2024 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dinaluhan nina Finance Secretary Ralf Recto, BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. at ng key officials ng ahensiya.
Layunin nito na mahikayat ang taxpaying public na magbayad ng tamang buwis para sa kaunlaran ng bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ang programa ng BIR ay inilatag sa isang taunang pagdiriwang ng National Tax Campaign Kick-off ng ahensiya na naglalayong hikayatin ang mga mamamayan at negosyante na magbayad ng tamang buwis at sumunod sa mga patakaran at regulasyon ng ahensiya upang makamit ang tax collection goal nito.
Ang BIR target, various services and programs para sa buong taong ito ay nakabatay sa kanilang digitalization at modernization program na naglalayong mapabuti ang efficiency, tranparency at convenience ng kanilang mga proseso at serbisyo.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng pagpapalawak ng electronic filing of payment system, pagpapatupad ng electronic invoicing at receiping systems, pagpapaunlad ng taxpayers account management system at pagtataguyod ng e- governance initiatives.
Ang bagong tax goal ng BIR ngayong 2024 ay P2.5 trilyon na mas mataas ng 10% kumpara sa P2.27 trilyon na koleksiyon noong 2023.
Ito ay upang masuoortahan ang mga pangangailangan ng bansa sa gitna ng dinanas na pandemya at paggawa ng iba pang mga plano para sa mas mabilis na economic recovery.
Ang ilan sa naging panauhin sa PICC sa okasyong ito ng BIR ay sina former DOF Secretar Carlos Dominguez III, Finance Undersecretary Antonette Tionko at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang preparadong mensahe ni Commissioner Lumagui ay tungkol sa kanyang mga nagawa at mga balak para sa Kawanihan, gayundin ang kanyang panawagan sa taxpaying public na makiisa sa kanilang adhikain na makamit ang fiscal sustainability at good governance.
Sinabi niyang sinisikap ng BIR na maging isang service oriented agency na nagbibigay ng madali, mabilis at maayos na serbisyo sa mga mamamayan.
Hinikayat niya ang lahat na magbayad ng tamang buwis at maging bahagi ng solusyon sa mga hamon na hinaharap ng bansa.
Dumalo din sa BIR Command Conference at National Tax Campaign Kick-off sa PICC ang deputy commissiiners, assistant commissioners, division chiefs, regional directors at revenue idustrict officers ng ahensiya sa buong kapuluan.