PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial signing ng P5.768-trillion 2024 national budget nitong Miyerkoles.
Kasabay rin nito ang panawagan ng Pangulo sa mga ahensiya na isagawa ang programa sa paggasta nang ayon sa batas at parangalan ang mga nagbabayad ng buwis na ginawang posible ang badyet sa susunod na taon.
Sa pagsasalita sa seremonya ng paglagda sa Malacañang, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga ahensiyang nagpapatupad ng expenditure program na labanan ang red tape “na humahantong sa underspending at overspending na hindi isinasaalang-alang ang mga legal na guardrail,” na idiniin pa na ang mga ito ay ‘two sides of the same coin.’“Implementation delay and illegal deviations inflict the same havoc of denying the people of the progress and development that they deserve,” aniya.
“So, with this reminder comes the most important budget commandment that we must all receive.
We are working for the people not for ourselves. We are working for the country not for ourselves,” diin pa ng Pangulo.
Ang paglagda ay ang pag-renew ng taunang social contract ng gobyerno sa mga nagbabayad ng buwis, na ang kanilang ibinayad ng tapat ay ibabalik sa kanila nang buo, aniya.
Ayon sa Pangulo, ang 2024 national budget ay nagdedetalye ng battle plan ng administrasyon sa paglaban sa kahirapan at paglaban sa kamangmangan, sa paggawa ng pagkain at pagwawakas ng kagutuman, sa pagprotekta sa ating mga tahanan at pag-secure ng ating hangganan, sa pagpapanatiling malusog ng mga tao, sa paglikha ng mga trabaho at pagpopondo ng kabuhayan.
Ito ay hindi lamang nilayon upang bayaran ang overhead ng bureaucratic operations ng gobyerno kundi para pondohan din ang pag-aalis ng mga problema na dapat lampasan ng bansa, sinabi niya.
At bagama’t nais niyang i-wipeout sa isang ikot ng badyet ang lahat ng backlog ng impraestruktura ng gobyerno, nababawasan ito ng kung ano ang maaaring kolektahin ng Estado at kung ano ang nilalaman ng kaban ng buwis.“We can be reckless, take the easy path, borrow, let our children pick today’s tab up tomorrow. But debt is not the kind of inheritance that we want to leave those who will come after us,” pahayag ng Pangulo.
“Good fiscal stewardship imposes upon us the discipline not to be led into the temptation of bloating what we owe. Good government dictates upon us the duty to spend the appropriations we have cobbled together for the correct purposes, the right way, on time, and on budget,” aniya pa.
P5.768 trilyon-General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2024 ay 9.5 porsiyentong mas mataas kaysa sa nakaraang taon ng pananalapi, at ginawa upang mapanatili ang high-growth trajectory ng bansa.
Inaasahan ng administrasyon ang tuwirang pagpapatupad ng 2024 national budget na may Medium-Term Fiscal Framework, ang 8-point Socioeconomic Agenda, at ang Philippine Development Plan 2023-2028 na nagsisilbing gabay at blueprint nito.