MAGIGING hosts ang Legazpi City sa 2024 PRISAA National Games na gaganapin sa July 20-26 at tatampukan ng 10,000 student-athletes at officials.
Ang anunsiyo ay ginawa nina PRISAA National Chairman Fr. Vicente Uy at Bicol PRISAA President Edgar Balasta kasunod ng pag-apruba sa competition program at billeting venues sa kanilang national board meeting noong nakaraang May 10.
Ang games, na na-reschedule dahil sa mga pagbabago sa calendar ng Department of Education at sa Palarong Pambansa sa Cebu, ay nagsisilbing pinnacle event para sa student-athletes mula sa PRISAA member colleges at senior high schools sa buong bansa.
.”The PRISAA National Games reaffirm our commitment to grassroots sports and holistic youth development,” sabi ni Fr. Uy.
Binigyang-diin niya ang tagumpay ng PRISAA-PSC memorandum of agreement sa pagsusulong ng mga programa tulad ng Certification Courses para sa coaches, talent identification, at Adopt an Athlete Initiative.
Sinabi ni Balasta na malapit nang matapos ang paghahanda sa venue sa Legazpi City para sa kumpetisyon.
Ang pagtutulungan sa pagitan ng PRISAA at ng Philippine Sports Commission (PSC) ay pinagtibay sa PRISAA National Congress sa University of Santo Tomas-Legazpi noong January 12, na dinaluhan nina PSC Chairman Richard Bachmann at Commissioner Edward Hayco.