(2025 budget iprinisinta kay PBBM) TUTUPAD SA PANGARAP NG MGA PINOY- PANGANDAMAN

ANG  panukalang budget para sa susunod na taon ay tutupad sa mga pangangailangan at hangarin ng mga Pilipino.

Ito ay ayon na mismo kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman matapos maiprisinta at mapaaprub kamakailan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang panukalang pambansang badyet para sa fiscal year (FY) 2025 na tinatayang nasa P6.352 trilyon.

Dala ang temang, “Agenda for Prosperity: Fulfilling the Needs and Aspirations of the Filipino People,” ang panukalang Fiscal Year 2025 national budget ay naglalayong ipagpatuloy ang economic at social transformation para sa isang maunlad, inklusibo, at matatag na kinabukasan sa ilalim ng bisyon ng Pangulo para sa isang Bagong Pilipinas.

“The proposed 2025 national budget fulfills the needs and aspirations of the Filipino people and is consistent with the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. We have crafted this carefully and meticulously to ensure that we stay on track with our economic growth targets while ensuring no one is left behind,” ani Pangandaman.

Ayon kay Pangandaman, ang panukalang badyet para sa susunod na taon ay nakaangkla sa tatlong pillars ng PDP, tulad ng Pillar 1: Develop and Protect the Capabilities of Individuals and Families, Pillar 2: Transform Production Sectors to Generate More Quality Jobs and Competitive Products, and Pillar 3: Create an Enabling Environment.

“I would like to thank the esteemed members of the cabinet for working closely with the DBM to develop the budget proposals that focus on the right priorities. Guided by the President’s socioeconomic agenda, the proposed 2025 national budget reflects our unwavering commitment to promoting the sound, efficient, and effective management and utilization of government resources toward the achievement of our national socioeconomic development goals,” pahayag ni Pangandaman.

Sa kanyang presentasyon, binanggit din ng Kalihim na ikinonsidera ang ilang mahahalagang salik para sa pag-evaluate ng FY 2025 budget, kabilang ang pagkakaroon ng fiscal space; kahandaan sa pagpapatupad ng mga programa, aktibidad, at proyekto; absorptive capacity ng mga ahensya; pagsunod sa Budget Priorities Framework at PDP 2023-2028; Public Investment Program/Three-Year Infrastructure Program; Information Systems Strategic Plan; and Program Convergence.

Ang panukalang pambansang budget para sa darating na taon ay 10.1 percent na mas mataas kaysa FY 2024 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng PhP 5.768 trilyon. Katumbas din ito ng 22.0 porsyento ng GDP, alinsunod sa natukoy sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting na ginanap noong Huwebes, ika-27 ng Hunyo 2024.

Bilang pagsunod sa mandato ng Konstitusyon, patuloy na makakakuha ng pinakamalaking porsyento sa pambansang badyet ang sektor ng Edukasyon.

Ang sektor ng Kalusugan ay makakatanggap din ng pagtaas ng badyet upang mapalakas ang operasyon ng mga ospital ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila, mga regional hospital ng DOH, at iba pang health facilities.

Ang National Tax Allotment ng mga LGU at taunang block grant ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay inaasahang magkakaroon din ng pagtaas, ayon pa sa kalihim.

Inaasahang ipiprisinta ng Pangulo ang panukalang badyet sa Kongreso sa loob ng 30 araw mula sa kanyang State of the Nation Address (SONA). Samantala, target ng Kalihim na maisumite sa Kongreso ang panukalang budget sa loob ng isang linggo mula sa SONA ng Pangulo.

Umaasa si Sec. Pangandaman, bilang chair ng Development Budget Coordination Committee, na maipagpatuloy ang patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas upang maabot ang target economic target ng PBBM administration at makamit ang inaasam na upper middle-income status at single-digit na antas ng kahirapan pagsapit ng 2028.