CORDILLERA PAPALAPIT NA SA DENGUE ALERT STATUS

DENGUE

PAPALAPIT na sa dengue alert status ang lalawigan ng Cordillera makaraang maitala ang 2,025 katao na nadale sa loob lamang ng anim na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Amelia Pangilinan, DOH-Cordillera OIC regional director kung saan siniguro ng health department na isinasagawa ang serye ng anti-dengue programs para hindi kumalat ang mosquito-borne epidemic sa nabanggit na lalawigan.

Base sa tala ng DOH-Cordillera, simula Enero hanggang Hunyo 2019, aabot sa 2,025 kaso ng dengue sa nasabing rehiyon kung saan apat na ang namatay.

Naitala rin ng Department of Health (DOH) na umabot sa 35 porsiyento ang itinaas ng dengue cases sa Cordillera noong Hulyo 13, 2019 kaya naman nag-isyu na ang DOH Central Office ng national dengue alert noong Hulyo 15, 2019 sa mga sumusunod na rehiyon.

Kabilang sa rehiyon na nasa talaan ng health department ay ang Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao na nag-exceed sa epidemic.

Maging ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao ay nakasama na rin.

Samantala, nagbigay naman ng kasiguruhan ang DOH-Cordillera na nagpapatuloy ang masusing surveillance sa mga barangay kung saan nanawagan sa publiko ang mga opisyal ng DOH na sundin ang 4S laban sa dengue.

Kabilang sa 4S VERSUS DENGUE ay ang search and des­troy mosquito breeding places, self-protective measures tulad ng pagsusuot ng long sleeves at paggamit ng insect repellent, seek early consultation kapag may senyales at sintomas ng dengue.

Nagpapatuloy naman ang flogging sa iba’t ibang barangay sa mga rehiyon na nagpupugad ang mga lamok na nagdadala ng epi­demya. MHAR BASCO

Comments are closed.