ARESTADO ang 203 indibidwal na lumabag sa health protocols na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng Pasay simula ng ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).
Sa ulat ni Pasay City Police chief Col. Cesar Paday-os na sa kabuuang bilang ng mga inaresto, 143 indibidwal ang hindi sumunod sa curfew hour,45 lumabag sa hindi pagsuot ng face mask at 10 naman ang walang shield habang ang limang sinita sa hindi pag obserba sa physical distancing na binigyan ng warning ng pulisya.
Gayundin, dahil sa walang humpay na pagbabantay ng pulisya at mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ng lokal na pamahalaan ay bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa pagpuri ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa inisyatibong ipinapakita sa pakikipaglaban upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.
Kabilang dito ang ipinagkakaloob na suporta ng MMDA sa lokal na pamahalaan at ang pagsisikap na maibigay ang tamang serbisyo para sa mga residente ng lungsod.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan mga residente na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols upang mapaglabanan ang pagkalat ng CVOID-19 sa lungsod .MARIVIC FERNANDEZ
891350 541194Wonderful site you got here! Please keep updating, I will def read a lot more. Itll be in my bookmarks so far better update! 798025
551952 841620Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that its truly informative. Im going to watch out for brussels. I will appreciate in case you continue this in future. Several people will likely be benefited from your writing. Cheers! 372503
495277 505684Hello there! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 513511