INATASAN na ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang kanyang field officers na ipamahagi na ang lahat ng titulo ng lupa na nakatago sa kanilang mga opisina sa lalong madaling panahon.
Ipinaliwanag ni Castriciones na hindi kabilang sa itinakdang deadline ang mga titulo ng lupa na naitakda nang ipamahagi sa mga susunod na mga araw.
Ginawa ng DAR chief ang nasabing direktiba sa isang mahalagang pulong na dinaluhan ng 15 DAR regional directors, isang hakbang na naglalayong bigyang hustisya ang mga magsasakang-benepisyaryo na maraming taon nang naghihintay para sa pinakamimithing titulo ng lupa – ang Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) at Emancipation Patents (EPs).
“Nais kong ipamahagi n’yo na ang lahat ng mga titulo ngayong araw mismo,” utos ni Bro. John sa mga regional director na personal na dumalo sa pulong at maging ang mga nasa online.
Sa tala ng DAR, umaabot sa 95,546 pinagsamang CLOAs at EPs ang mga titulo ng lupa na hindi pa naipamamahagi at nananatili sa mga opisina ng DAR sa buong bansa.
Mismong si Bro. John ang nagpatawag ng pulong makaraang madiskubre ang 2,034 titulo ng lupa na nakasilid sa mga sako sa loob ng Land Transfer and Implementation Division ng DAR-Cebu provincial office kamakailan.
“Higit sa lahat, obligasyon natin ito sa ating mga benepisyaryo, karamihan sa kanila ay matatanda na at pinaglipasan na ng panahon para magbungkal pa ng sakahan,” pahayag ng hepe ng DAR. BENEDICT ABAYGAR, JR
509869 917080You must participate in a contest for probably the greatest blogs on the internet. I will recommend this web website! 899110