NASA 2,053 ang panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Filipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkoles (October 28), umabot na sa 375,180 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 38,955 o 10.4 porsiyento ang aktibong kaso.
Naitala na 83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.1 porsyento ang asymptomatic; 2.2 porsyento ang severe habang 3.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 61 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 7,114 o 1.90 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 540 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 329,111 o 87.1 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.
Comments are closed.