(20,741 sa isang araw) SECOND HIGHEST COVID-19 CASES NAITALA SA PINAS

NASA 20,741 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa araw ng Sabado.

Ito ang ikalawang pinakamataas na record ng Pilipinas nang magsimula ang pandemya.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 2.06 milyon na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus.

Nasa 189 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi habang 21,962 ang gumaling.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.6% (157,646) ang aktibong kaso, 90.7% (1,869,376) na ang gumaling, at 1.65% (34,062) ang namatay.

Agosto 30 nang makapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na COVID cases na umabot sa 22,366 sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 2, 2021 habang mayroong limang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng limang labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

6 thoughts on “(20,741 sa isang araw) SECOND HIGHEST COVID-19 CASES NAITALA SA PINAS”

  1. 834636 320459Can I just say exactly what a relief to get someone who actually knows what theyre dealing with on the internet. You actually know how to bring a difficulty to light and make it crucial. The diet must see this and fully grasp this side on the story. I cant believe youre not far more common because you undoubtedly hold the gift. 700596

Comments are closed.