20,755 BAGONG KASO NG COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na umaabot pa sa 20,755 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas araw ng Linggo.

Base na rin sa case bulletin no. 561, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 2,490,858 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 26, 2021.

Ayon sa DOH, sa naturang kabuuang kaso, nasa 6.5% o 161,447 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Sa aktibong kaso, 81.1% na mild cases, 13.4% na asymptomatic, 3.18% na moderate, 1.6% na severe at 0.7% na critical.

Mayroon namang 24,391 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 2,292,006 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 92.0% ng total cases.

Nananatili naman sa 37,405 ang total COVID-19 cases sa bansa o 1.50% ng total cases, matapos na wala muling maitala ang DOH na namatay dahil sa COVID-19.

Ipinaliwanag ng DOH na wala pa ring naitatalang bagong COVID-19 deaths dahil na rin sa technical issues sa COVIDKaya system.

Tiniyak naman nito na patuloy nilang tinutugunan ang problemang na-encounter ng sistema.

“When the issue is resolved, the succeeding increase in deaths in the following reports will be due to the previous days’ backlogs,” anang DOH.

Kaugnay nito, iniulat din ng DOH, na mayroon pa ring 72 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 63 recoveries. Ana Rosario Hernandez

91 thoughts on “20,755 BAGONG KASO NG COVID-19”

  1. 910812 61385Spot lets start on this write-up, I seriously believe this remarkable website requirements considerably a lot more consideration. Ill much more likely once again to read an excellent deal a lot more, numerous thanks that information. 12094

Comments are closed.