209 PA GUMALING SA COVID-19

covid patient

NADAGDAGAN ng 209 ang gumaling pa sa coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH)  araw ng Martes, Oktubre 6, umakyat na sa 273,313 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 2,093 naman ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Filipinas.

Umabot na sa 326,833 ang confirmed cases ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 47,655 ang aktibong kaso.

85.6 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.5 porsiyento ang asymptomatic; 1.6 porsiyento ang severe habang 3.4 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 25 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 5,865 ang CVID-19 related deaths sa bansa.

Comments are closed.