PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang o groundbreaking ceremonies para sa konstruksyon ng mahigit 20,000 housing units para sa mga taga- Camarines Sur na bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.
“Isa po ito sa mga proyekto ng aking administrasyon na nakaangkla sa ating layunin na mabigyan ng komportable, maayos, at disenteng buhay ang lahat ng ating kababayan,” ayon kay Pangukong Marcos.
Sa kanyang talumpati, sinabi nito na pangarap ng lahat ang magkaroon ng sariling bahay at lugar kaya naman alok niya ang pabahay para makapagsimula ang mga Pinoy ng bagong kabanata ng buhay.
Ang nasabing proyekto ay una sa ilalim ng 4PH program na ipinasok ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa provincial government.
Layon ng 4PH Project ng CamSur na magtayo ng limang residential towers na mayroong 11,880 housing units sa 6-hectare land sa Panganiban Drive, Naga City.
Apat na commercial buildings naman ang itatayo na nakapalibot sa residential towers.
Nais ng Pangulong Marcos na makapagtayo ng isang milyong bahay kada taon o anim na milyong pabahay hanggang matapos ang kanyang termino sa 2028.
“Lahat ito nais natin paabutin ng anim na milyon na bagong pabahay dahil ‘pag pinag-aaralan natin ang housing sa Pilipinas, ‘yan ang numerong lumalabas na kulang na pabahay para sa ating mga kababayan,” diin ng Pangulo.
Bukod sa alok na pabahay sa nasabing proyekto, maaari ring maka-access ang residente ng basic at vital facilities gaya ng paaralan, market, medical facilities gayundin ang livelihood infrastructure.
Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa iba’t ibang government agencies, construction companies, private financial institutions at iba pang partners na sumunod sa rules and regulations ng gobyerno sa ikatatagumpay ng proyekto.
Hanggang Marso 13, iniulat ng housing officials na nakapirma na ang DHSUD ng 83 memoranda of understanding (MOU) at apat na memoranda of agreement (MOA) kasama ang local government units (LGUs) sa buong bansa.
Sa kabuuan, nakapag-groundbreak na ang pamahalan sa 17 LGUs habang makikipag-collaborate ang DHSUD sa lahat sangkot na LGUs, government financial institutions para sa funding strategies at allocation ng pananalapi, technical at operational resources.
Hanggang kahapon, Marso 16, naglabas na ang Pag-IBIG Fund ng P250 billion para sa e 4PH project.
Kasama ni Pangulong Marcos sa CamSur sina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Camarines Sur Gov. Vincenzo Renato Luigi Reyes Villafuerte, Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymond Villafuerte, Camarines Sur 5th District Rep. Miguel Luis Villafuerte gayundin ang mga gabinete at iba pang local officials. EVELYN QUIROZ