20K JOBS SA FINTECH BUBUKSAN NG CEZA

Secretary Lambino

SINABI ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) na may 20,000 trabaho sa financial technology (fintech) ang bubuksan sa lalong madaling panahon matapos magkaloob ng inisyal na 25 principal licenses sa kuwalipikadong fintech companies.

Ayon kay CEZA Administrator and Chief Executive Officer Raul Lambino, ang naturang job openings ay dapat punan ng highly-skilled information technology (IT) talents. Bukod dito, kakailanganin din ang mga kuwalipikadong manggagawa para sa highly-technical at managerial positions.

Susuportahan ng employment opportunities na ito sa CEZA ang fintech operations sa Cagayan Special Economic Zone and Freeport (CSEZF), na tina-target din na maging hub ng bansa para sa fintech activities, tulad ng offshore virtual currency exchange, initial coin offering, blockchain development, at iba pang fintech solutions.

Isang fintech facility na itatayo sa isang 10-hectare property sa CSEZF sa Sta. Ana, Cagayan ang kalalagyan ng back offices ng fintech firms.

Anang CEZA chief, binigyan na ng investment promotion agency (IPA) ng financial technology solutions and offshore virtual currency (FTSOVC) license ang tatlong kompanya –  Golden Millennial Quickpay, Ultra Precise Investment, Ltd., at Liannet Technology, Ltd.

Ang iba pang kompanya na nagbayad ng hinihinging fees sa CEZA ay ang  Formosa Financial Holdings, Sino-Phil Economic Zone Agency Development and Management Corp., Asia-Pacific Intl. Ltd., Hongkong Yuen Shing-Hong Ltd., Tanzer Inc., at Rare Earth.

Ang mga kompanya naman na nakapagbayad na ng kanilang aplikasyon para sa FTSOVC licenses ay ang BitVentures, Inc., Rare Earth Asia Technologies Corp., I-Dragon Science Development Corp., CR8TIV Solutions, Seryna Coin Metrics Inc., at BCB Global Trading Corp. Ltd.   PNA

Comments are closed.