ISABELA-PINANGUNAHAN ni Agriculture Secretary Wiliam Dar ang pagbibigay ng cash at food assistance sa mga mahihirap na magsasaka ng mais, tubo at niyog gayundin ang mga katutubong mangingisda ng tribong Agta’s mula sa lalawigang ito.
Nabatid na sa lalawigan ng Isabela, may P65 milyong pondo ang inilaaan para sa may 12,878 habang sa buong rehiyon naman ay 31, 486 na magsasaka at mangingisda ang mabibiyayaan sa P150 milyong pondo ng DA.
Sa naturang bilang, 11,089 ang nagtatanim ng mais habang ang nagtatanim ng niyog ay 2,007, sa tubo naman ay 404, sa katutubo ay 2,253, sa mangingisda at sa magsasaka ay aabot sa 890,794 ang makakatangap ng subsidiya na may P4.5 bilyong pondo kabilang ang P5,000 ang bawat magsasaka kung saan P3,000 ang cash at P2,000 in kind.
Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, pinasinayaan din Dar ang CP Foods Philippines Corporation Swine Breeding Complex at Ceremonial Signing of MOU ng Ilagan Corn Processing Complex gayundin ang ribbon cutting.
Kasama ni Dar sina DA Regional Director Narciso Edillo, Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, Governor Rodito Albano III, Vice Gobernor Faustino “Bojie’’ Dy, III,, Congressman Antonio Albano, at iba pang mga opisyales ng lalawigan ng Isabela.
Ang nasabing Corn Processing Center ay pinaglaanan ng P250 milyong pondo na ang mabebenespisyuhan nito ay mahigit 20,000 magsasaka na magtatanim ng mais sa siyudad ng Ilagan.
At ito na marahil ang kauna-unahang Corn Processing Center na kasalukuyang ipinatatayo sa Ilagan City, Isabela. IRENE GONZALES
Comments are closed.