20K TAUHAN NG GOBYERNO BABAKOD SA SEA GAMES – PNP

SEA GAMES 2019

CAMP CRAME – DALAWAMPUNG libong tauhan o government employees at karamihan ay pulis ang magbibigay ng  seguridad sa 30th South East Asian  Games (SEAG)sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang kinumpirma ni PNP officer in charge Lt Gen Archie Gamboa sa Monday regular press conference kahapon.

Aniya,  ang 20,000 personnel ay magbabantay sa 10,000 mga manlalaro mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Thailand, Timor Leste, Singapore, Vietnam, at Philippines na lalahok sa 56 Sporting events.

Partikular na babantayan ang lugar na pagdarausan ng laro, crowd control, vehicular at pedestrian traffic direction, mga ruta, at parking.

Ang gagawing mahigpit na pagbabantay sa gaganaping SEA games ay upang matiyak na magiging maayos at payapa ito. REA SARMIENTO

Comments are closed.