Ni RIZA ZUNIGA
SA ika-20 Philippine Quill Awards, sa kasaysayan nito, nagtala ng pinakamataas na bilang ng kalahok na umabot sa 800 mula sa iba’t ibang sektor. Ginawaran ang magagaling na communication programs, tools at research projects sa bansa noong nakaraang ika-23 ng Enero 2024 sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.
Ang mga nagwagi ay dumaan sa masusing pagsusuri ng International Association of Business Communicators (IABC) gamit ang pinakamataas na antas ng pandaigdigang pamantayan bilang panukat ng galing sa komunikasyon sa larangan ng Communication Management, Communication Research, Communication Training and Education, at Communication Skills at Student Quill.
Sa Division 1 sa Communication Management, may 11 nanalo sa Internal Communication, siyam naman sa Employee Engagement, isa lamang ang nagwagi sa Human Resources and Benefits Communication, walang iba kung hindi ang PDLT & SMART; dalawa ang nanalo sa Change Communication, Manila Water Company, Inc at MERALCO; Safety Communication, PAGEONE at PLDT & SMART; 37 ang nanalo sa Marketing, Advertising and Brand Communication, anim ang nanalo sa Customer Relations, siyam sa Media Relations, 13 sa Community Relations, SM Foundation, Nestle Phils, OCI COMM Group, Semirara Mining & Power Corporation, Light Rail Manila Corporation (2), PLDT & MSART (2) MERALCO, SVEN, Coca-Cola, Ahunan Power Inc. at MANILAMED; dalawa sa Government Relations and Public Affairs, DOST at PAGEONE; apat sa Governmental Communications, DOST (1) Carbond Digital, Inc. (2) at DDB Group; 5 sa Financial Communications and Investor Relations, Raslag Corporation and BrandPlay, Energy Development Corporation, BDO Unibank (2) at BPI; walo ang naitalang nanalo sa Issues Management and Crisis Communication, 35 ang nanalo sa Corporate Social Responsibility, tatlo ang nanalo sa Non-Profit Campaigns at anim sa Diversity & Inclusion.
Sa Division 2 sa Communication Research, tatlo ang nanalo, mula sa MERALCO, Cardon DIgital at AHA! Behavioral Design.
Sa Division 3 Communication Training and Education, lima ang nanalo, PLDT & Smart, PAGEONE, AHA! Behavioral Change, Megaworld Corporation at PAGEONE.
Sa Division 4 sa Communication Skills, 22 ang nagwagi sa Special and Experiential Events, 12 sa Digital Communications/Communication for the Web, 22 sa Audio/Visual, 24 sa Social Media, 18 sa Publication, 4 ang nanalo sa Writing: 2 mula sa Comm & Sense — Roar, BPI at Megaworld Foundation.
Ang mga nanalo sa Student Quill sa mga sumusunod na kategorya: Internal Communication, UST; Marketing, Advertising at Brand Communication, walo ang nanalo mula sa De La Salle-College of St. Benilde (1), UST (4), Colegio de San Juan de Letran (1) at FEU (2); Issues Management & Crisis Communication, dalawa ang nanalo mula sa Colegio de San Juan de Letran; Corporate Social Responsibility, dalawa ang nanalo, Holy Angel University at Colegio de San Juan de Letran; Communication Research, dalawa ang nanalo mula sa FEU at Holy Angel University; Special and Experiential Events, lima ang nanalo UST (2), DLSU-Dasmarinas (1), DLSU-College of St. Benilde (1), Philippine High School for the Arts (1); Audio/Visual, 22 ang nanalo, Philippine High School for the Arts (1), Colegio de San Juan de Letran (7), DLSU-Benilde (5), FEU (3), UST (4), UST Angelicum College (2); Social Media, lima ang nanalo, UST (3), Colegio de San Juan de Letran (1) at DLSU-Benilde (1); Publication, pito mula sa DLSU-Benilde (3), San Beda (1), UST (2), DSLU-Dasmarinas (1); Writing, 17 ang nanalo, mula sa DLSu-ST. Benilde (11), Colegio de San Juan de Letran (3), at UST (3).