DIRETSO libing ang may 21 katao na biktima ng pagguho sa Barangay Tinaan, Naga City, Cebu.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, ang 16 sa mga biktima ay inilibing ng Campanilla kung saan hindi umano sila nakalabas ng kanilang bahay nang mangyari ang trahedya.
Binisita na lamang ang mga ito ng kanilang mga malalayong kakilala upang makilibing.
Samantala, umakyat na sa 51 ang mga labi na nahukay ng mga rescuer.
Inamin naman ng incident post ground commander na si Baltazar Tribunalo Jr na nahihirapan silang akyatin ang ilan pang bahagi ng gumuhong lupa dahil lubha ring mapanganib para sa mga rescuer.
Sa kabila nito, nananatiling positibo si Tribunalo at umaasa pa rin sila na mayroon pang buhay na maisasalba sa search, rescue at retrieval operations. PILIPINO Mirror Reportorial Team