ARESTADO ang 21 katao sa malawakang operasyon laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal na tinutukan ni National Capital Region Police Office chief PMGen Vicente D. Danao Jr. sa Metro Manila.
Binigyang-diin ni Danao ang kahalagahan ng pagtutok ng lahat ng operatiba ng NCRPO sa pangangalaga hindi lamang sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad ngayong panahon ng pandemya, kundi ang pagiging alerto rin sa lahat ng uri kriminalidad at ilegal na sugal.
Sa Quezon City, walo katao ang inaresto ng pinagsanib na operatiba ng PNP Regional Intelligence Division (RID) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) noong Agosto 17, 2021 dakong 5:30 ng hapon, matapos maaktuhan sa kanilang operasyon ang mga suspek sa Mabini Street, Barangay Sta. Lucia, Novaliches sa lungsod.
Kinilala ang mga inaresto na sina Raul Barandino y Lagunsat, Rolando Monera y Barandino, John Ryan Marinas y Palbao, Jesibol Obispo y Joyno, Fermin Dagnio y Acojido, Mario Arizobal y Hermosa, Javier Cinita y Casim at Balery Peronio y Rivero na isinailalim na sa inquest proceedings.
Samantala, 13 katao naman ang nasakote dakong 7:45 ng gabi noong Agosto 21, 2021 sa Crossword St. Fourth Estate, Barangay San Antonio, Parañaque City habang ginagamit umanong front ang Small Town Lottery sa operasyon ng loteng.
Ang mga suspek na inaresto ay nakilalang sina Jose Pelaez y Solijion, Adela Crisostomo y Escala, Nerlio Cacho y Sampiano, Helen Donor y Borja, Dioscoro Honorio Jr, Victor Aquino y Abisado, Reyman Encarnacion u Paumil, Elmer Cortez y Portuguez, Christopher Labrador y Garcia, Christian Suarez y Dapitan, Ruben Foo y Hagosojos, Nelson Simbulan y Rabi and Eboy Hemor y Carait, pawang mga nasa hustong gulang at residente ng Parañaque.
Nakumpiska ng mga operatiba ng Parañaque Sub-Station 5 sa pamumuno ni PMaj Tirso T. Pascual bilang mga ebidensiya ang Php16,759.000 cash, 11 calculator, tatlong (3) columnar record book, limang (5) pad na summary ng kolkesyon at STL paraphernalia.
Kaugnay nito, iniutos ni Danao na arestuhin ang sinumang indibidwal na sangkot sa operasyon ng ilegal na sugal at tiyakin ang pagsasampa ng kaukulang kaso, partikular na ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.
Hinikayat din niya na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa kapulisan ang mga mamamayan upang masugpo ang mga ilegal na operasyon sa pamayanan.
712935 249180I like what you guys are up too. Such smart function and reporting! Carry on the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I think it will improve the value of my site 264960
804910 691041This is 1 extremely intriguing post. I like the way you write and I will bookmark your weblog to my favorites. 671299
136048 175528Some truly intriguing info , effectively written and broadly speaking user pleasant. 196614
315588 476245Glad to be one of the visitors on this awe inspiring internet website : D. 437107
579692 949414Its really a cool and helpful piece of info. Im glad that you shared this useful details with us. Please keep us informed like this. Thanks for sharing. 847888
537210 892144I enjoy what you guys are up too. Such clever function and exposure! Keep up the very good works guys Ive incorporated you guys to my own blogroll. 913484