MAYROONG 21 paaralan sa buong bansa ang magtuturo sa farmers ng farm mechanization at inbred seeds production.
Sa pagdinig ng Committee on Agriculture and Food noong Martes, ipinahayag ni Senadora Cynthia Villar ang 21 paaralan ay may libreng training courses sa rice crop production, modern rice farming techniques, inbred seed production, farm mechanization, farm machinery servicing at maintenance para sa ating mga magsasaka.
Sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang rice tariffication law, naglaan ang P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng P1 billion sa skills training ng mga magsasaka at knowledge at technology transfer sa farm schools sa buong bansa.
Naglaan din ang RCEF ng P5 bilyon sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) para pambili ng farm equipment, P3 billion sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa inbred seeds program, P1 billion sa murang credit facility at P1 billion sa skills development.
Hahatiin ang pondo sa pagsasanay sa training providers gaya ng mga sumusunod: PhilMech (P100 million), PhilRice (P100 million), Agriculture Training Institute (P100 million) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) (P700 million).
Para sa malinaw na gawain at extension modality, magbibigay ang PhilMech at PhilRice sa ATI at TESDA ng training module at magsasagawa ng pagsasanay sa trainor classes.
Isusulong ng ATI at TESDA ang kaparehong training modules sa mga magsasaka sa pamamagitan ng Farmers Field Schools at TESDA Accredited Farm Schools sa rice-producing municipalities.
Kabilang sa skills training program ang mga kurso para mapangasiwaan at mapanatili ng mga magsasaka ang farm equipment gaya ng tillers, tractors, seeders, threshers, rice planters, harvesters at irrigation pumps. Gagamitin ang machinery sa land prepara-tion, crop establishment, harvesting at threshing, drying at milling.
Ang identified schools ay ang mga sumusunod: Region I- Don Mariano Marcos State University sa Batac; Region II- PhilRice, San Mateo, Isabela; Region III- PhilMech at PhilRice sa Science City ng Muñoz at Villar Sipag Farm School, San Jose del Monte, Bulacan; Region IV-A- University of the Philippines- Los Banos, Laguna at Villar Sipag Farm School, Bacoor, Cavite; Region IV-B- PhilRice, Santa Cruz, Mindoro Oriental; Region V- PhilMech, Pili, Camarines Sur at PhilRice, Ligao, Albay; Visayas- Villar SIPAG Farm School, San Miguel, Iloilo atPhilRice, Murcia, Negros Occidental; Eastern Visayas- PhilMech, Abuyog, Leyte at University of Eastern Philippines, Catarman, Northern Samar; Mindanao- Western Mindanao State University sa Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay at sa Zamboanga Peninsula; Region X- Central Mindanao University, Bukidnon at PhilMech, Cagayan de Oro City. Region XI- PhilMech, Davao City;p at Villar Sipag Farm School, Davao City; SOCCSKSARGEN- Region 12 Phil-mech, Midsayap, North Cotabato; Region XIII- PhilRice, RT Romualdez, Agusan del Norte. VICKY CERVALES