21 PANG PINOY MULA UKRAINE NAKAUWI NA

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch ng mga Pilipino na na-repatriate mula Ukraine.

Lumapag kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang 21  Pinoy crew members ng M/V S-Breeze sa pamamagitan ng  commercial flight ng Philippine Airlines flight PR-659 mula Moldova, Europe.

Sinalubong naman sila ng Overseas Workers Welfare Administration  (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa mga Pinoy, napagdesisyunan nilang lisanin ang Ukraine upang hindi maipit sa sigalot sa pagitan nito at ng Russia.

Nakatakdang tumanggap ng tig-P10,000 na cash assistance mula sa gobyerno ang mga Filipino repatriate. DWIZ 882