21 PATAY SA COVID-19 SA LOOB NG 5-ARAW

BATAAN-Pumalo sa 21 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng 5 araw simula nitong Hunyo 29 hanggang Hulyo 3, 2021 dahilan para sumirit sa 376 ang kabuuang bilang ng lahat ng mga nasawi sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng Provincial Health Office ang mga pinakahuling nasawi na nadagdag sa mga sinawimpalad na nasawi na tinamaan ng COVID-19 ay ang mga pasyenteng sina 68-anyos na babae mula sa Balanga; 60-anyos na lalaki mula sa Dinalupihan; 47-anyos na babae mula sa Dinalupihan; 57-anyos na babae mula sa Hermosa at 74-anyos babae mula sa Samal

Nasa 1,176 naman ang aktibong kaso sa buong lalawigan matapos madagdagan ng 75 na panibagong nagpositibo.

Sa kabila nito, nasa 9,753 ang bilang ng mga gumaling na matapos maidagdag ang 47 sa mga panibagong nakarekober.

Sa kasalukuyan, sumampa na sa 11,285 ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Bataan. ROEL TARAYAO

5 thoughts on “21 PATAY SA COVID-19 SA LOOB NG 5-ARAW”

  1. 94728 759884Exceptional read, I just passed this onto a colleague who was doing a bit research on that. And he in fact bought me lunch as I identified it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 374874

  2. 893858 598608It is difficult to get knowledgeable people within this subject, nonetheless, you appear to be guess what happens you are dealing with! Thanks 108384

Comments are closed.