PASAY CITY – KATAKOT-TAKOT na aberya ang sinapit ng 21 Filipino seafarers bago makauwi sa Filipinas.
Ang mga seaman ay na-stranded sa India nang hindi umabot sa flight pauwi sa Filipinas noong Huwebes.
Ang sanhi ng pag-antala ay dahil may kuwestiyon umano sa kanilang final exit clearance.
Inasahang darating sana sa Filipinas ang mga seaman ng ala-1:30 ng hapon noong Oktubre 25 at lalapag sana sa NAIA Terminal 2 ang kanilang sinasakyang eroplano subalit hindi na sila nakasakay pa sa eroplano.
Ang 21 Filipino seafarers ay na-stranded sa India simula pa noong Hunyo makaraang abandonahin sila ng kanilang British employer.
Nangako naman ang manning agency na bibigyan ng tig-P1 million ang mga nasabing seamen bilang danyos sakaling makauwi na ang mga ito. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.