TARLAC-MAKALIPAS ang halos 21 taon na pagtatago sa mga kinasasangkutang kaso, nadakip na ng mga awtoridad ang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa Brgy, Sto. Niño sa bayan ng Bamban sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report ni Tarlac Acting Provincial Director P/Col. Erwin Sanque kay PNP Region 3 Director BGen. Matthew Baccay, kinilala ang nadakip na suspek na si Val Castro Y Mallari, 42-anyos, residente ng Minuyan Proper sa siyudad ng San Jose del Monte sa Bulacan.
Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na may cc.no.2906 sa kasong Robbery bukod pa ang paglabag sa RA 6539 na may cc.no.2907.
Dagdag pa ang paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition na may criminal case No 2908 na inilabas ni Hon, Judge Alexander S Balut, Presiding Judge of 4th Municipal Circuit Trial Court of Aritao Sta Fe, 2nd Judicial Region, Province of Nueva Ecija noong Nobyembre 5, 2001.
Bukod pa ang Carnapping with Homicide na Criminal Case No. 684-SD 2003 na inisyu si Hon Cholita B. Santos, Presiding Judge of RTC Branch 88, Baloc, Sto Domingo, Nueva Ecija.
Samantala, walang piyansang ang naging rekomendasyon ng korte laban sa suspek. THONY ARCENAL