(2,103 mula sa 7,685 examinees) PUMASA SA 2019 BAR EXAMS WALA PA SA KALAHATI

Estela Perlas Bernabe

UMAABOT sa kabuuang 2,103 examinees ang nakapasa sa bar examinations na idinaos sa bansa noong nakaraang taon, at isang babaeng examinee na mula sa University of Santo Tomas – Legaspi (dating Aquinas University) ang nanguna dito.

Ayon kay Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe, chairperson ng 2019 Committee on Bar Examinations, ang naturang bilang ay 27.36 percent ng kabuuang 7,685 examinees na sumabak sa 2019 bar exams.

Sa ipinagkaloob na dokumento ng Office of the Clerk of Court, nabatid na nakopo ni Mae Diane Azores ng UST-Legaspi ang Top 1 matapos na makakuha ng iskor na 91.04%.

Bukod kay Azores, kabilang din sa mg bar topnochers sina Princess Fatima Parahiman ng University of the East (89.52%); Myra Baranda ng University of Santo Tomas-Legaspi (88.82%); Dawna Fya Bandiola ng San Beda College – Alabang (88.33%); Jocelyn Fabello ng Palawan State University (88.23%); Kenneth Glenn Manuel ng University of Sto. Tomas (88.17%); Rhowee Buergo ng Jose Rizal University (87.87%);  Anton Luis Avila ng Saint Louis University (87.58%); Jun Dexter Rojas ng Polytechnic University of the Philippines (87.57%) at

Bebelan Madera ng University of St. La Salle (87.37%).

Nabatid na bago inilabas ang resulta ng pagsusulit ay nagsagawa muna ng special en banc session ang mga mahistrado para mapagpasyahan ang passing percentage nito.

Mula sa 75 percent ay nagpasya rin umano ang en banc na ibaba na lamang ang passing rate sa 74 percent.

Maaaring makita ang buong resulta sa official website ng Korte Suprema na http://sc.judiciary.gov.ph. ANA ROSARIO HERNANDEZ

BAR TOPNOTCHER IPINAGDASAL NA MAPASAMA SA TOP 10

Target talaga ng bar topnotcher na mapasama sa top 10 ng bar exams bago pa man siya nagsimulang mag-review para sa pagsusulit.

Ayon kay Mae Diane Azores, ipinagdasal niya na sana ay masama sIya sa Top 10 kahit man lang sa pang-walong puwesto.

At dahil mayroon aniya siyang goal, sobra-sobrang pag-aaral ang kanyang ginawa na hindi pa niya nagagawa sa buong buhay niya  bilang estudyante.

Gumigising aniya siya ng alas-4 ng madaling araw, mag-eehersisyo bago sumabak sa pag-aaral na tumatagal ng 10 hanggang 12 oras.

Sinbi ni Azores na hindi siya makapaniwala na siya ang bar topnotcher subalit sobrang ligaya ang kanyang nararamdaman nang malaman ito.

Si Azores ay graduate ng University of Santo Tomas-Legaspi. DWIZ882

Comments are closed.