CAMP CRAME – UMANGAT ang ranggo ng 21,063 pulis at isinagawa ang induction o oath taking kahapon nang sabay-sabay sa buong bansa.
Pinangunahan naman ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang oath taking sa promotion kasama ang pag-angat ni Maj. Gen. Celso Pestano, mula sa pagiging brigadier general, na pinuno ng Directorate for Integrated Police Operations-Southern Luzon.
Ayon kay PNP Spokesman, BGen. Bernard Banac, sa nasabing bilang na umangat ang ranggo, 1,154 pulis ay naka-assign sa national headquarters o sa Camp Crame.
Aniya, ang 21,063 police na na-promote ay nakapasa sa matinding requirement para sa ikalawang siglo ng promotion ngayong taon.
Sa rami ng na-promote, nangangahulugan din aniya na nagpapatuloy ang pag-unald sa kaalaman at pag-uugali ng mga pulis.
“This latest round of regular promotion of police uniformed personnel speaks well of continuing development of a culture of responsible seniority among police commissioned officers and police non-commissioned police officers as they rise up in the career ladder to assume leadership position,” ayon kay Banac.
Congratulations naman ang mensahe ng liderato ng PNP sa mga umangat sa ranggo habang inaasahan ang paggalaw ng kanilang mga duty. EUNICE C.
Comments are closed.