210K PASYENTE GUMALING SA COVID-19

DOH

UMABOT na sa halos 210,000 ang mga pasyente na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin no. 189 na inisyu ng Department of Health (DOH), nabatid na nakapagtala pa sila ng karagdagang 1,128 recoveries, sanhi upang umabot na ang total COVID-19 recoveries sa bansa sa  kabuuang 209,885.

Samantala, umakyat sa 283,460 ang total COVID-19 cases sa Filipinas matapos na makapagtala pa ng karagdagang 3,962 bagong kaso ng sakit hanggang 4:00PM nitong Setyembre 19, 2020.

“As of 4PM today, September 19, 2020, the Department of Health reports

the total number of COVID-19 cases at 283,460, after 3,962 cases newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH.

Sa kabuuang bilang, 68,645 pa ang itinuturing na aktibong kaso, at 87.4% sa mga ito ay mild cases lamang; 9.0% ang asymptomatic; 1.1% ang severe at 2.5% ang kritikal.

Pinakamaraming naitalang kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,440; sumunod ang Bulacan na may 354; Cavite na may 287; Laguna na may 222; at Batangas na may 213.

Samantala, nakapagtala pa ang DOH ng karagdagang 100 pasyente na binawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa naturang bilang ng mga namatay, 66 ang naganap ngayong Setyembre;  16 noong Agosto; pito noong Hulyo; apat noong Hunyo at pito noong Abril.

Ang mga nasawi ay mula sa NCR (52 or 52%), Region 4A (14 or 14%), Region 6 (10 or 10%), Region 3 (6 or 6%), Region 10 (5 or 5%), Region 2 (3 or 3%), Region 5 (3 or 3%), Region 1 (2 or 2%), Region 7 (1 or 1%), Region 8 (1 or 1%), BARMM (1 or 1%), CAR (1 or 1%), at CARAGA (1 or 1%).

Sa kabuuan, mayroon nang 4,930 ang COVID-19 death toll ng Pilipinas.

Samantala, mayroon namang 27 duplicates ang inalis mula sa total case count, at sa nasabing bilang, 15 ang recovered cases na.

“In addition, one (1) recovered, verified to be a foreign national, was also removed from the total case count,” anang DOH.

Mayroon  namang 17 kaso na unang tinukoy na nakarekober ngunit sa pinal na balidasyon ay patay na pala.

Mayroon ding 10 laboratoryo na hindi pa nakapagsusumite ng datos sa kanilang  COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang nitong Setyembre 18, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.