ALBAY -NANGUNGUNA ang lalawigan ng Catanduanes sa pasaway ng curfew hours na nagtala ng 560 violators.
Ito’y batay sa ulat na ipinalabas kamakailan ni P/Major.Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Police Regional Office 5 sa Bicol kung saan 914 dito ay inaresto ng kapulisan sa paglabag ng curfew hours,1184 naman ang hindi sumunod sa home quarantine.
Samantala 16 ang nasakote sa overpricing ng medical supplies at essential goods sa loob ng 40 araw lamang mula nang ipinatupad ang enhanced community quarantine sa anim na lalawigan sa Kabikulan noong Marso16 hanggang sa kasalukuyan.
Kaugnay nito,pangalawa naman ang Camarines Sur sa Catanduanes na may 124 kasong paglabag sa curfew,58 sa Sorsogon, 56 sa Albay, 49 sa Camarines Norte at pinakamababa ang Masbate na nagtala lamang ng 27 violators at 38 sa mga naarestong ito ay sumailalim na sa inquest proceedings samantala 876 ang kakasuhan ng regular filing at 62 naman ang may mga kaso na sa korte.
Lumabas pa sa ulat ni Calubaquib na umabot sa 4 691 kataong lumabag sa curfew ang isinailalim sa mahigpit na counselling ng DSWD at binalaang kakasuhan sakaling mahuli ulit sa parehong violations.
Samantala, naging seryoso naman ang pulisya sa pinaiiral na home quarantine kung saan kinasuhan ang karamihan sa lumabag dito kabilang na ang 552 sa Sorsogon,141 sa Camarines Sur,110 sa Masbate,105 sa Albay, 44 sa Naga City at 24 katao sa Camarines Norte.
Bagaman nasa general community quarantine(GCQ) na lamang ang buong Bicol simula sa Mayo.1 batay na rin sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases(IATF EID) kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte bunsod sa mababang kasong positibo sa covid-19 mula nang isailalim ito sa ECQ noong Marso hanggang ngayon,hinikayat pa rin ni PRO-5 Director PBGen.Anthony Alcaneses ang publiko na makipag tulungan sa mga aw toridad upang maiwasang makulong ito dahil patuloy umanong magiging seryoso ito sa pagpapatupad ng batas hinggil sa ECQ na may pagrespeto naman sa umiiral na human rights law. NORMAN LAURIO