21,411 BAGONG KASO, 25,049 BAGONG GUMALING

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 21,411 bagong kaso ng sakit sa bansa kahapon.

Base sa case bulletin no. 547 ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,227,367 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 12, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 8.2% pa o 181,951 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Anang DOH, kabilang sa aktibong kaso ang 86% na mild, 9.5% na asymptomatic, 2.59% na moderate, 1.3% na severe at 0.6% na critical.

Mayroon namang 25,049 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman.

Sanhi nito, umabot na sa 2,010,271 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.3% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 168 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 35,145 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.58% ng total cases.

Samantala, iniulat ng DOH, na mayroon pa ring 65 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 57 recoveries at isa ang patay.

Mayroon din 58 kaso nag unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. Ana Rosario Hernandez

120 thoughts on “21,411 BAGONG KASO, 25,049 BAGONG GUMALING”

  1. Hello There. I found your blog using msn. This is a very
    well written article. I will make sure to bookmark
    it and return to read more of your useful information. Thanks for the post.

    I will certainly return.

Comments are closed.