UMAABOT na sa mahigit 215,000 ang bilang ng mga nabakunahan kontra sa COVID-19 sa Filipinas
Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang Marso 15 ng gabi, nasa kabuuang 215,997 na ang nabakunahan laban sa nakakahawang sakit.
Sa 1,125,600 available doses sa bansa, naipamahagi na ang 1,079,400 o 96 porsiyento nito sa vaccination sites sa bansa.
Nasa 929 na ang vaccination sites na nagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa 17 rehiyon sa bansa.
Samantala, tiniyak ng National Task Force against COVID-19 na asahan nang bibilis ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na ito ay dahil sa inaasahang pagdating naman ng mas marami pang mga bakuna sa mga susunod na araw.
Batay sa datos, nasa mahigit 1.7 milyong mga bakuna o 96% ang naipamahagi na sa may 17 rehiyon sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, aabot sa 215,997 na mga medical frontliner ang nabakunahan na sa 929 na mga vaccination site.
Magugunitang ipinangako ni Galvez na mayroon nang 2.3 milyong bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang darating na sa bansa sa buwan ng Abril.
Ito’y matapos namang pormal nang malagdaan ang Kasunduan sa pagitan ng Filipinas at India para sa pagbili ng 30-M Novavax para sa bansa.
763908 755258I believe other site owners need to take this website as an model, extremely clean and superb user genial style and style . 622733