KARAGDAGANG 2,178 bagong kaso ng COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health araw ng Biyernes.
Sa inilabas na datos ng DOH ay may 250 na karagdagang gumaling at 20 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay.
Sa kabuuang bilang ng kaso na 509,887, 32,031 ang aktibong kaso, 91.7 porsiyento (467,720) ang gumaling at 1.99 porsiyento (10,136) ang nasawi.
Walong kaso ang inalis sa kabuuang bilang dahil nadoble lamang at limang kaso na unang naitalang gumaling ay lumabas na kabilang sa mga namatay.
May tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos.
Comments are closed.