21,819 BAGONG KASO NG COVID-19

NASA 21,819 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Biyernes ng hapon, Enero 7, pumalo na sa 2,910,664 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 77,369 o 2.7 porsiyento ang aktibong kaso.
2,438 ang asymptomatic o walang sintomas, 70,321 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,837 ang moderate, 1,461 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 129 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 51,871 o 1.78 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 973 ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,781,424 o 95.6 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.