NASA 2,196 mga bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 ang naitala sa loob ng 24 oras sa Pilipinas.
Base ito sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon, Pebrero 17.
Dahil dito, umakyat na sa 3,646,793 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 66,588 o 1.8 porsiyento ang aktibong kaso
1,090 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 60,848 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,913 ang moderate, 1,428 ang severe, habang 309 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 107 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,330 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,409 ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,524,875 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.